Archive for January, 2008

Inis… Kasalanan…

Tuesday, January 15th, 2008

Naiinis ako sa totoo lang. She owes me! Hindi ko lang maisumbat yan sa mukha niya. Hindi naman kasi ako ganong tao. Nakakapikon lang kasi I was almost begging her. Tapos dinededma ka. Yun ang nakakapikon talaga! Alam naman niyang I need it. Alam naman niyang she still owes me. Bad trip sobra!

***

On the other hand, may kasalanan ako dun sa isa. Kasi naman I was always out. Kundi out, kapag online naman sandaling-sandali lang. Madalas sa hindi, tinatamad akong magtagal online. Kapag sinipag naman like nung nakaraang araw lang, naka-focus lang ako sa blog ko, re-write nung mga nadaya kong posts and kutingting sa sidebar ng konti. After that, wala na. Offline na agad. I don’t even email friends. I don’t even open my Yahoo! Messenger. I do open my Friendster account because of my cousin Yong. Tapos wala na. Minsan ang hirap i-explain sa mga madalas kong kausap na tinatamad akong makipag-chat. Pero I have nothing against them. Ako lang talaga may diperensya. Ako lang ang sira ang ulong lagi na lang ganito, moody. Ang mahirap, I don’t explain this attitude to friends. Kung kilala mo na talaga ako, mapapansin mo na lang itong pattern na ito sa ugali ko. That’s it.

***

Minsan naniniwala na talaga akong familiarity breeds contempt. Parang too much being close or knowing each other can be suffocating and can sometimes lead to inisan, pikunan. Kaya nga as much as possible, I keep my distance. Ang problema naman kasi sa akin, kapag natuwa ako sa isang tao, todo get-to-know ang drama ko. Ganon naman kasi ako. Genuine yun ha. Talagang I want to get to know that person, kung sino man ang nakatuwaan ko. Ayun, kapag nasosobrahan, pangit din.