Ganon pala ang feeling, di mo pa anak naiiyak ka na kung malalayo ka ng ilang araw. Napapansin niyo siguro na laging bida si Hazel sa mga blogs ko. Hazel is our neighbor’s daughter. Malayong kamag-anak na bale. When my mom died 2 years ago, she was the new baby in the neighborhood. To ease the pain of losing my mom, kinukuha siya every morning ni daddy from her mom. Then kinuhang ninang yung youngest sis kong si Grace. After a while, nakasanayan na niyang dito sa amin at laging humahabol na kay daddy. Ayun, dito na talaga lumaki.
Siya yung balm sa pain namin of losing my mom. She made us laugh with her antics. She made our hearts melt with her smiles. She makes us think of happy thoughts just by hearing her name. Ganon siya kaimportante sa amin.
Kaya nga some of our relatives are questioning us why we’re lavishing her with so much attention, including shopping for her and financing her 2nd birthday… If someone or something makes you happy, do you really look at the price tag???
More than a week ago, her mom gave birth to a baby girl. Si Hazel kasi, feeling niya siya pa rin ang bunso sa kanila. Kaya ang ginawa, hinihila mom niya papunta sa kanya at ayaw patabihin sa baby. Eh ang dad naman niya gabi na sobra umuuwi from work kaya ang arrangement, for the meantime dito muna si Hazel sa bahay matutulog. Nung una hinahanap pa niya mom niya. Aba, after the 3rd day, wala na hehehe… Tabi sila natutulog ni daddy sa gabi. Panghele niya yung loud snores ni daddy hehe… Tapos for almost a week na, daily kaming umaalis ng sis kong si Vivian at lagi namin siyang kasama kasi ayaw paiwan. Laging bukambibig niya tsem-tsem. SM daw hehe…
Kanina tinitignan ko siya before I started writing this entry. Nakakalungkot pala kasi 4 days din namin siyang di makikita. Imagine, di ko pa anak yan. What more siguro kung anak mo na ano? Tapos mega lambing pa na sama siya. Hay… durog ang puso talaga!