Archive for the ‘Litratong Pinoy’ Category

Litratong Pinoy Ed#8 - Balingkinitan

Wednesday, July 9th, 2008

Balingkinitan. Kailan naman kaya ako magiging ganyan? Hmm… Sa panaginip na lang siguro hehe! Mabuti pa itong payong na free sa Watson’s nang mamili kami kanina roon ng aking kapatid. Ang payong na iyan ay balingkinitan kumpara sa normal na mga payong. Buti pa siya sexy…

*lol

Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

P.S. Pasensya na at mali ang naitatak kong may-ari ng litrato hehe

Litratong Pinoy Ed#7 - Ihip ng hangin

Thursday, May 29th, 2008

Ihip ng hangin ang tema ng Litratong Pinoy ngayong Huwebes na ito. Ang larawang lahok ko ngayon ay ginamit ko na rin sa Heads or Tails-Direction entry ko. Pasensya na at wala akong makitang magandang larawang iba kaya ito na uli ang ginamit ko.

Gusto ko ang larawang ito dahil nilalarawan niya ang daang aking tinatahak sa ngayon. Medyo magulo pero nakikita ko na ang dulo :)

Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

Litratong Pinoy Ed#6 - Tubig

Thursday, May 22nd, 2008

Dalawang beses akong di nakasali sa Litratong Pinoy. Una nung Ina ang tema. Pangalawa nung Apoy. Yung sa Ina, dahil sa wala naman akong Ina na babatiin nung linggong iyon. Masyado lang akong malulungkot. Yung sa Apoy naman, tinamad lang talaga akong maghanap. Di nag-isip hehe… Pasensya na po.

Ngayong linggong ito, nahuli naman ako. Pero eto at humahabol. Tubig ang tema ng LP ngayon. Ang tubig dyan sa taas ay nagsisimbulo ng aking mga gawain. Malapit ko ng maabot yung mga na-set kong gawain ngayong linggo.

Maligayang araw ng Huwebes sa inyong lahat!

Litratong Pinoy Ed#5 - Malungkot

Thursday, May 1st, 2008

Ang orchids na iyan ay dala namin sa puntod ng aking namayapang ina noong nakaraang araw ng kanyang kamatayan. Tuwing makikita ko ang orchids na yan, naaalala ko ang aking ina. Malungkot. Magta-tatlong taon na rin pero alam niyo namang lahat, iba kapag ang nanay na ang nawala.

Maligayang araw ng Huwebes mga kaibigan at ka-LP! :) Maligayang araw sa lahat ng mga manggagawa sa buong mundo!

Litratong Pinoy Ed#4 - Hugis ay pahaba

Thursday, April 24th, 2008

Hugis ay pahaba ba ikamo? Ayan na! Ang man-made lake sa may Wright Park, dun sa taas katapat ng The Mansion.

Maligayang araw ng Huwebes mga kaibigan at ka-LP! :)

Litratong Pinoy Ed#3 - Apat na kanto

Thursday, April 17th, 2008

Eto ang bintana dun sa tinuluyan namin sa Baguio. Type ko ang ganitong bintana. Apat na kanto di ba? Mabuti na lamang pala at nakuhanan ko ng litrato kasi balak kong ipagaya dito sa bahay namin. Nagamit ko pa tuloy sa Litratong Pinoy ;)

Maligayang araw ng Huwebes!

Litratong Pinoy Ed#2 - Tatlo ang sulok ko

Thursday, April 10th, 2008

Ito na ang pangalawang edisyon ng Litratong Pinoy. At ang tema para sa linggong ito ay Tatlo ang Sulok ko.

Nakikita niyo ba ang tatsulok na bubong? Ang larawan na ito ay kuha sa Bell Church sa Baguio City nung nakaraang linggo na kami’y nagpunta roon. Nakita niyo na? :)

Magandang araw ng Huwebes mga kaibigan!

Pahabol: Humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat na dumalaw sa aking entry nung nakaraang Huwebes. Hindi ako nakadalaw sa inyo dahil kami’y umalis patungong Baguio noon. Babawi na lamang ako ngayon.

Litratong Pinoy Ed#1 - Circle

Thursday, April 3rd, 2008

moa

Dahil sa di nagbabasa ng rules ang inyong lingkod, ayan, nagkumahog pa akong isalin muna itong entry ko sa Tagalog! Hahahaha

Ang Litratong Pinoy ang pinakabagong meme in town! (Bwahahaha… Kris Aquino ang dating! Kadiri!) Bukas ito sa lahat ng pinoy at pinay kaya kung trip niyong kumuha ng litrato, sali na! May mga tema bawat linggo. Ngayong unang labas ng memeng ito, Circle o Bilog ang tema.

Litratong Pinoy is the newest photo meme in town! This photo meme, as the name suggests, is open to all Filipinos. It will be every Thursday and there will be themes for each week. For this week, the theme is Circle.

Ang una kong entry para sa Litratong Pinoy ay ang globe sa Mall of Asia (MOA). Bilog na bilog di ba? ;)

Maligayang araw ng Huwebes mga kaibigan!